NBA: Heat ibinaon ang Hawks, Memphis bumawi sa Timberwolves

Ibinaon ng Miami Heat ang Atlanta Hawks sa 2-0 matapos angkinin ang Game 2 sa unang round ng NBA Playoffs, 115-105.

Humakot ng 45 points si Jimmy Butler para sa Heat upang tiyakin na may baon itong bentaha sa Game 3 ng serye kung saan gaganapin ang laban sa home court ng Atlanta.

Nag-ambag naman ang mga shooter na sina Max Strus at Tyler Herro ng 15 at 14 puntos.

Samantala maganda naman ang nilaro ni Bogdan Bondanovic para sa Atlanta kung saan nagtala ito ng 29 points habang 25 puntos ang iniskor ni Trae Young.

Sa ibang laro, bumawi ang Memphis Grizzlies sa Minessota Timberwolves at tinambakan ito sa Game 2 ng kanilang match-up, 124-96.

Susi sa tagumpay ng Memphis ang off-the-bench scoring nina Brandon Clarke, Xavier Tillman at Ziaire Williams na pare-parehong humakot ng tig-13 puntos.

Double-double naman ang ibinigay ni Ja Morant sa kanyang 23 points, 10 assists at 9 rebounds.

May 20 points ang sophomore player na si Anthony Edwards habang ang center na si Karl-Anthony Towns ay nagkasaya lamang sa 15 points.

Nasa 1-1 na ngayong ang standing ng dalawang koponan sa kanilang best-of-7 playoffs series.