P680k na halaga ng droga, nasabat sa buy-bust operation sa Batangas city

Nasabat mula sa isang tricycle driver ang nasa P680,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu sa ikinasang buy bust operation sa Brgy. Balagtas, Batangas City.

Kinilala ng Office of the Provincial Director Drug Enforcement Unit (OPD-DEU) at Batangas City Police Station ang suspek sa naturang krimen na si John Christopher Abulencia alyas Ian, 34 anyos, isang tricycle driver, tubong Malabon City at residente ng Brgy San Lorenzo Ruis, San Pedro, Laguna.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Ayon sa imbestigasyon, narekober mula sa suspek ang dalawang pirasong big heat-sealed transparent plastics na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu, buy-bust money na P200,000.00, isang pirasong brown paper bag, cellphone at P350.00 na halaga ng pera.

Umabot sa humigit kumulang 100 gramo ng droga ang narekober sa naturang suspek na nagkakahalaga ng P680,000.00 pesos.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Napag-alaman na ang drug suspect ay mula Laguna at dumayo lamang sa Batangas para magtulak umano ng iligal na droga.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng nasabing himpilan ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.