Senado nasa 73.99% na ang natatanggap na COCs at ERs

Patuloy ang pagdating ng mga ballot box na naglalaman ng Certificates of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo sa Senado.

Ngayong umaga Lunes, May 16, nakatanggap ang Senado ng 128 COCs o 73.99 percent ng kabuoang 173 COCs na inaasahang ipapadala sa upper chamber.

Read More:  British lawyer Peter Haynes confirmed as Duterte’s new counsel

Kabilang sa mga COC na natanggap ng senado ay mula sa Quezon Province, Isabela, Mountain Province, Lapu-Lapu City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan Kudarat at North Cotabato.

Read More:  House prosecution panel names official spokespersons for Duterte impeachment

Samantala natanggap naman ng kamara ang mga Overseas Absentee Voting COC mula sa India, Lebanon at Italy.

Ang dalawang kapulungan ng Kongreso ay inaasahang magko-convene sa isang joint session sa Mayo 24 para i-canvass ang mga boto para sa 2022 presidential at vice presidential elections.