Inaayos na ng Department of Agriculture ang proseso sa pamimigay ng fuel subsidy sa mga magsasaka at mangingisda na apektado ng patuloy na pagsirit sa presyo ng produktong petrolyo.
Ayon kay Agriculture Assistant Sec. Arnel de Mesa aabot sa P3,000 na ayuda ang matatanggap ng mga benipisaryo sa pamamagitan ng fuel subsidy at discount voucher.

Tinatayang nasa mahigit 160,000 na mga magsasaka at mangingisda ang makikinabang sa naturang tulong mula sa pamahalaan.
Una nang inanunsiyo ng Department of Budget and Management na inilabas na nila ang pondo para sa fuel subsidy na aabot sa P500-Million.
Kinumpirma naman ni de Mesa na posibleng magkaroon ng ikalawang round ng ayuda sa susunod na buwan matapos mangako ang economic cluster ni Pangulong Duterte na dadagdagan ng P600-Million ang fuel subsidy para mga magsasaka at mangingisda.