Naniniwala ang ilang eksperto na hindi handa ang Pilipinas sa de-escalation sa Alert Level 0.
Ayon kay infectious disease expert Dr. Cecilia Maramba Lazarte mismong ang World Health Organization na ang nagsabi na walang bansang dapat maiwan subalit hangang ngayon ay may mga lugar pa rin sa mundo na may mataas na kaso ng COVID-19.

Napansin din umano ni Lazarte na bumaba ang testing kaya’t hindi malayo na may mga kaso ng COVID-19 ang hindi nade-detect.
Una nang sinabi Health Secretary Francisco Duque III ang posibilidad nang mas maluwag pang restrictions sa sa Metro Manila at iba pang lugar na nasa alert level 1.
Batay sa datus ng DOH nasa 63.99 milyong indibidwal na ang fully vaccinated habang 62.7 milyon ang nakatanggap ng paunang doses at 10.7 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang mga booster shot.