P5,000 multa sa mga curfew violator sa Tacurong

KORONADAL CITY —MULTANG P5,000 ang ipinapataw sa mga lumalabag sa curfew hours sa lungsod ng Tacurong.
Ito ang nilinaw ni Police PMaj. Ronalyn Domider, deputy Chief of Police ng Tacurong Citysa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Ayon kay Domider walang warning sa mga mahuhuli na lumalabag sa curfew hours simula alas-9 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw na ipinatutupad sa lungsod base narin sa Executive Order na ibinaba ng provincial government ng Sultan Kudarat.

Read More:  7-meter whale shark found dead along Bacolod City coast

Dagdag pa ng opisyal na maliban sa nasabing patakaran patuloy din ang kanilang pagtutuk sa mga pampublikong lugar sa lungsod upang masiguro na sumusunod ang publiko sa maayos na pagsusuot ng facemask at pagsunod sa minimum health protocols laban sa Covid-19.