P5.9 milyong halaga ng iligal na droga, nasabat ng PNP sa 7 araw na operasyon sa Central Luzon

Umabot sa P5.9 milyon pisong halaga ng iligal na droga ang nasabat ng PNP sa 7 araw na isinagawang anti-illegal drug operation sa Central Luzon.

Ayon kay Police Regional Office 3 Regional Director BGen. Jose Hidalgo Jr.,sa isinagawang 157 anti-illegal drug operation mula July 1 hanggang July 7, nakumpiska ng mga pulis ang nasa 851. 30 grams ng shabu at 1, 037. 70 grams ng marijuana.

Nagresulta ito sa pagkakaaresto 243 na mga indibidwal na nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Binigyan-diin ni Hidalgo ang kanilang pangakong makipagtulungan sa Philippine Drug Enforcement Agency para hulihin ang mga sangkot sa drug-related activities upang matiyak ang kaligtasan ng komunidad laban sa bawal na gamot. (BRIGADA INTERN – RAY RESPICIO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *