UP Diliman, magde-deploy ng mas marami pang security personnel kasunod ng naging ‘stabbing incident’ sa loob ng campus

Tiniyak ng University of the Philippines Diliman (UP Diliman) na magde-deploy ito ng mas marami pang security personnel sa iba’t ibang paligid ng kanilang campus.

Ito ay matapos ang naging ‘stabbing incident’ o pananaksak na nangyari sa UPD National Science Complex.

Ayon sa ulat ng awtoridad, matapos ang nangyaring insidente ay agad namang dinala sa hospital ang biktima para mabigyan ng lunas.

Sa kasalukuyan, hawak na ng Quezon City Police District ang kaso.

Samantala, hinihimok din ng awtoridad ang mga estudyante na maging mapagmatyag at i-report lang ang anumang kahina-hinalang kanilang mapapansin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *