CBCP, suportado ang aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio sa Batangas

Suportado ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang aplikasyon na maging international shrine ang national shrine of St. Padre Pio sa Santo Tomas, Batangas.

Ayon kay CBCP President, Bishop Pablo Virgilio David, ito ang isa sa tinalakay at napagkasunduan ng mga obispo sa katatapos na 128th plenary assembly ng CBCP na ginanap sa Chali Conference Center sa Cagayan de Oro City, ang kauna-unahan sa Mindanao.

Maraming deboto ang bumibisita sa dambana para sa pagpapagaling.

Taong 2003 nang maitatag ang dambana at itinalagang archdiocesan shrine makalipas ang limang taon habang 2015 naman ng itinalaga ng CBCP ang simbahan bilang national shrine kung saan nakadambana ang ilang first-class relic ng santo.

Matatandaang June 2022 nang aprubahan ng Vatican ang kauna-unahang international shrine sa Southeast Asia at Pilipinas, ang International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral sa lalawigan ng Rizal. (BRIGADA INTERN – JESSA QUIROZ)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *