Aabot sa 4 bilyong pisong halaga ng smuggled e-cigarettes ang nasabat ng Bureau of Customs sa tatlong magkakahiwalay na warehouse sa Metro Manila.
Sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula sa Customs Commissioner, magkakasabay na ni-raid ang mga bodega sa Quezon City, Malabon, at Parañaque na nag-iimbak umano ng mga hindi rehistradong vape products.
Ayon sa Bureau of Customs, modus ng sinasabing mga may-ari na paunti-unting ipuslit ang mga naturang produkto sa bansa.
Dahil dito, isinara na muna ang tatlong warehouse at hihintayin ang warrant of seizure and detention para mahakot at agad na masira ang mga smuggled e-cigarette.
Inihahanda na ng BOC ang reklamong paglabag sa Anti-Smuggling Law laban sa mga may-ari ng tatlong warehouse.