Panukalang pagsasalegal ng medical cannabis use, hindi raw klaro

Ibinahagi ni Senadora Imee Marcos na hanggang sa ngayon ay hindi niya pa rin nilalagdaan ang panukalang batas na naglalayong gawing legal ang medical cannabis use sa bansa.

Ayon kase kay Marcos, base sa naging enforcement ng ilang bansa rito ay hindi ito naging epektibo bagkus naging dahilan pa ito upang gamitin sa recreational use.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Dagdag pa niya, tila hindi rin malinaw ang nilalaman ng Senate Bill No. 2573 o Cannabis Medicalization Act of the Philippines dahil walang detalyeng nakalagay kung sino ang mamahala, magbabantay, manghuhuli at magpaparusa para sa mga mahuhuling gumagamit ng cannabis o marijuana para sa recreational use.

Read More:  PSA reports rise in working children in 2025

Kaugnay nito, umaasa siya na mas magiging detalyado ito at mas magiging mahigpit ang enforcement para rito.

Sa kabilang banda, sang-ayon naman si Senate Deputy Majority JV Ejercito na itulak ito sa bansa dahil personal niya na raw nakita ang dalang tulong nito sa kanyang hipag na dati ay epileptic.