𝗣𝟰.𝟵-𝗠 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗖𝗢𝗡𝗖𝗥𝗘𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗜𝗧𝗢 𝗦𝗢𝗟𝗜𝗩𝗘𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗣𝗢𝗦 𝗡𝗔 Natapos na ng DPWH – Isabela 3rd District Engineering Office ang pagsemento sa daan na nasasakupan ng Barangay Yeban Norte, Purok 1, Benito Soliven, Isabela.
Ito ay pinondohan ng P4, 900, 000 sa ilalim ng General Appropriations Act of 2024 kung saan mayroon itong haba na 0.5205 kilometer.
Tiniyak naman ang tibay nito at kapasidad na pangasiwaan ang mabigat na trapiko sa daan dahil sa limang metrong lapad nito at may kapal na 0.20 meter ang semento.
Sinimulan ang naturang proyekto noong ika-walo ng Marso ngayong taon.|#BrigadaNews