Pirmado na ng Municipal Local Government Unit (MLGU) ng Sta Maria, Isabela sa pamamagitan ng MDRRMC at Municipal Inter-Agency Committee (MIAC) ang 3 milyon pesos na financial support para sa proyekto ng DSWD RFO2.
Ito ay para sa 20 subprojects ng DSWD RFO2 sa ilalim ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan Comprehensive Integrated Delivery of Social Services, National Community-Driven Development Program Additional Financing (KALAHI-CIDSS NCDDP-AF).
Inihayag ni Regional Director Cezario Joel Espejo na ang implementasyon ng naturang proyekto ay magbibigay ng suporta sa MLGU Sta Maria at iba pang other local disaster response instrumentalities upang matugunan ang epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang kalamidad sa kanilang lokalidad.
Mula sa higit 19 milyon pesos na proyekto ay 15.2 milyon ang KALAHI-CIDSS NCDDP-AF grant habang 3.8 milyon naman ibinigay ng MLGU Sta Maria bilang Local Counterpart Contribution (LCC).
Ilan sa mga proyektong isasagawa ay ang paggawa sa mga daan, konstruksyon ng solar dryer, communal dugwell at drainage canal kung saan nagsagawa ng Participatory Situation Analysis ang BLGUs at Area and Municipal Coordinating Teams (ACT/MCTs).