P2B na kita kada buwan sa illegal activities ng POGOs – mahina pa, ayon sa PAOCC

Naniniwala ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na posibleng mas malaki pa sa P2B ang kinikita ng mga POGO hubs sa kanilang mga iligal na gawain kada buwan.

Una na kasing sinabi sa pulong balitaan ng PAOCC at ng DILG na ganito kalaki ang posibleng nakokolekta ng mga POGO hubs.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Sa panayam ng Brigada NewsFM Manila kay PAOCC spokesperson Winston Casio – inisa-isa niya ang i’bat ibang mga scams na ginagawa sa loob ng mga na-raid na POGO.

Ilan lang dito ay ang love scam, crypto scam, fake shops, at ilang mga modus na maihahaluntulad sa Ponzi scheme.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Sabi ni Casio, sa laki ng operasyon sa Porac, Pampanga – mahina pa raw ang P2B kada-buwan.

Kung nagpapasok daw kasi ang kada-1 empleyado ng P100,000 kada araw – talagang magiging malaki pera sa scam hub.
VC_CASIO_MAHINA PA ANG 2B