Bahagi ng mas malawak na intrusive patrols ng China ang namataan na presensya ng Chinese monster ship malapit sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines, ang presensya ng 12,000-ton CCG ship, ay illegal at coercive na nakakaepkto sa kapayaan sa rehiyon, ang patuloy na panghihimasok ng China sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Layunin umano nito na igiit ng China ang kanilang unlawful claims sa ilang lugar na pasok sa exclusive economic zone ng Pilipinas.
Kaugnay nito, sinabi ng AFP na nananatili silang alerto sa anumang posibilidad.
Tiniyak rin ng AFP ang pagtupad sa kanilang mandato na may paggalang sa international maritime laws, lalo na sa United Nations Convention on the Law of the Sea.