Na-deny ng Office of the Ombudsman ang apela nina suspended Bamban Mayor Guo para sa kaniyang anim na buwang suspension nang walang bayad.
Binasura ng Ombudsman ang inihain ng kampo ni Guo para sa motion for reconsideration hinggil sa suspension bunsod ng mga adminstrative charges laban sa akaldeng may kinalaman sa ‘di umano’y kuneksyon niya sa POGO hub sa kaniyang munisipalidad.
Ibig-sabihin, tuloy pa rin ang suspension sa kaniya.
Maliban pa rito, denied din ang mga motiong inihain ng iba pang suspended officials ng Munisipyo kabilang sina Edwin Ocampo at Adenn Sigua.
Samantala, kinumpirma na rin ng Bureau of Immigration (BI) na isinailalim na ng Department of Justice (DOJ) si Mayor Guo sa Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO).
Ibig-sabihin, imo-monitor na ang mga galaw ng suspendidong alkalde at babantayan din sakali mang lumabas ito ng bansa.
Maliban kay Guo, nas ILBO na rin ang 17 iba pa.