P280 million pesos na halaga ng building para sa DOST-Regional Center for Research nakatakdang itayo sa Naga City

NAGA CITY – Nakatakdang itayo sa 1,000 square meters na lote sa Naga City ang Department of Science and Technology (DOST) Regional Center for Research ngayong taon o bago magtapos ang taong 2024 at ito ay nagkakahalaga ng P280 million pesos.

Sa malawak na Naga City Industrial Park sa Barangay Carolina ito itatayo sa deklaradong Special Economic Zone, batay sa Presidential Proclamation No. 229, noong July 25, 2023 ayon na rin sa mga pahayag na inilabas ni City Councilor Joselito del Rosario, Committee Chairman ng edukasyon sa konseho.

Paliwanag niya, sakaling mangyari ito, ang Naga City ang magiging sentro ng research ng mga estudyante o maging ng professional para sa naturang ahensiya dahil na rin sa inaasahan nilang magiging moderno ang mga equiptments at laki ng pondong inilaan sa proyekto ng gobyerno.

Aprubado na rin anya ito sa konseho, kaya wala ng dahilan pa para hindi ito matuloy sabi pa ng konsehal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *