Kapulisan, may tinutumbok nang gunman sa pamamaril sa isang negosyante sa Batangas

May tinutumbok nang gunman ang mga awtoridad sa nangyaring pamamaril sa isang babaeng negosyante sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas nitong Linggo.

Sinabi sa Brigada Batangas ni PLt. Colonel Rodel Ban-o, hepe ng Sto Tomas CPS, inaalam na nila ang pagkakakilanlan ng gunman na pumatay sa 44 anyos na negosyante.

Ito umano ay matapos na maireview ang CCTV at ang malalimang imbestigasyon na ginagawa ng kanilang intelligence unit.

Batay sa imbestigasyon, bandang ala-una ng hapon ng pauwi na ang biktimang may-ari ng lending business matapos puntahan ang isang may utang sa kanya sa Brgy. San Jose.

Habang nasa daan ay bigla silang tinapatan ng mga salarin at pinagbabaril.

Nagtamo ng tama ng bala sa binti ang kasama nito.

Samantala, anggulo ng singilan sa utang ang tinitingnang motibo ng mga otoridad sa krimen.

Bago pa man ang krimen ay mayroon umanong sinisingil na utang ang biktima sa isa sa mga nagka-utang sa kanya na mayroong ari-ariang nireremata.

Una na umano itong binalaan ng kanyang mga kamag-anak na huwag pumunta sa lugar ng kanilang sinisingil dahil sa impormasyong may record ito ng pagpatay.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *