Muling nanindigan ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na hindi mabibigyan ng special treatment si dismissed Bamban mayor Alice Guo.
Sabi ni BJMP spokeperson J/CInsp. Jayrex Bustinera – ita-trato si Guo na parang isang normal na PDL.
Sa katunayan, mayroon din itong P70 na budget kada araw sa pagkain, ‘o katumbas ng P23 kada isang meal.
Sa kabila niyan, tiniyak ni Bustinera ang seguridad ni Guo lalo na’t kine-claim nitong mayroon siyang banta sa buhay.
Sabi ng BJMP official, nagsagawa na sila ng risk assessment sa mga cellmates ni Guo.
Ang kaniya rin umanong kama ay malapit sa CCTV camera, at malapit sa duty station.