Batangas City – Matagumpay na naipagkaloob ng Department of Agriculture o DA CALABARZON ang nasa mahigit dalawampung milyong pisong halaga ng interbensyon para sa ilang mga magsasaka sa bayan ng Quezon.
Kabilang sa naging benepisyaryo ng naturang programa ang mga bayan ng Guinyangan, Calauag at Lopez na nakatanggap ng binhing pananim katulad ng palay, mais, gulay, fertilizer discount voucher at mga kagamitang pangsaka.
Nagmula ang mga ito sa mahigit 6 na milyong halaga na bahagi ng rice program, mahigit 12 milyong piso mula sa Corn program at mahigit 1 milyong pisong halaga mula sa High Value Crops Development Program.
Nabatid na una nang naipamahagi ng DA Calabarzon ang mahigit 26.5-M halaga ng interbensyon para sa mga magsasakang naapektuhan ng Bagyo Aghon noong nakaraang ika-31 ng Mayo.