Inaresto ang isang barangay kagawad na dating isang barangay chairman sa bayan ng Pinamungajan, probinsya ng Cebu matapos itong malusutan ng warrant of arrest dahil kasong may kaugnayan sa illegal na druga.
Ang na-aresto ay kinilala na si Rhaabe Yanong Norteza, may asawa at isang Barangay Councilor ng barangay Tutay, Pinamungajan, Cebu.

Inaresto si Norteza kahapon ng umaga sa Barangay Poblacion, sa bayan ng Aloguinsan sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Hon. Judilyn Hugo Tapia-Menchavez, ang Presiding Judge ng Family Court Branch 59 ng Regional Trial Court of Toledo City.
Ang paghuli sa naturang barangay official ay may kaugnayan sa kasong paglabag sa section 11 at section 12 ng Article 2 ng RA 9165 o mas kilala na Dangerous Drugs Act of 2002.