DA MIMAROPA, naglaan ng programa upang mabawasan ang convention ng mga agri land sa rehiyon

Batangas City – Sa ginanap na Kapihan sa Bagong Pilipinas katuwang ang Department of Agriculture o DA MIMAROPA, inihayag nila na may mga nakalatag silang proyekto upang mabawasan ang convention ng mga agri land sa buong rehiyon.

Ayon kay Regional Executive Director Atty. Christopher Bañas ang Regional Executive Director ng DA MIMAROPA, ang kanilang ahensya ay gumagawa ng mga programa at mga mekanismo para lalong mahikayat ang mga mag-produce ng mas maraming mga produkto.

Ginagawa raw nila ang mga ito upang hindi na mapilitan pa ang mga magsasaka na ipagbenta ang kanilang lupang sakahan at gawing residential area.

Aniya pa, lahat ng mga programa na makakatulong upang mapataas ang produksyon ng mga magsasaka ay patuloy nilang isinusulong.

Samantala, wala rin aniya silang ibang magagawa kung nagdesisyon na ang mga magsasaka na ipagbenta ang kanilang mga lupain, dahil ito ay kanilang karapatan.