P1Million na reward – inilatag na ng PNP para sa MSU bombing suspects

Nag-alok na ng P1 milyong pisong pabuya ang isang personalidad para sa mga makapagtuturo sa kinaroroonan at pagkakakilanlan ng dalawang lalaking itinuturing na persons of interest sa pagpapasabog sa Mindanano State University noong December 3.

Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong araw, sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, pinaniniwalaan na ang dalawa ang may dalang bomba na pinasok sa loob ng MSU.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Nakita sa CCTV footage na sakay ang dalawa ng motorsiklo habang papunta hanggang sa paalis ng MSU matapos ang pagsabog.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Bago ito, makikita rin sa CCTV ang lalaking backrider na may bitbit na bag na ayon kay Fajardo ay naglalaman ng 60 mm mortar at RPG.

Ang dalawang POIs ay bukod pa sa mga tinukoy nang suspek ng pulisya na sina Cadapi Mimbisa alyas Engineer at Arsani Membisa alyas Khatab/Hatab/ Lapitos.