P1M ng iligal na droga, nasabat sa Batangas City

Batangas City – Arestado ang isang tulak matapos mahulihan ng mahigit isang milyong pisong halaga ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa barangay Alangilan, Batangas City.

Kinilala ang suspek na si alyas Angelita, isang high valued individual.

Batay sa report, bandang alas 8:45 ng gabi noong June 27, 2024 nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad, kung saan nahuli sa akto ang suspek na nagbebenta ng shabu sa isang pulis na nagpanggap bilang buyer.

Nasabat sa suspek ang nasa isangdaan at pitumpu’t limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng isang milyon, isang daang at pitumpung libong piso.

Sa ngayon ay hawak na ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs act of 2002.