Atleta mula Alitagtag, handa nang lumaban sa Palarong Pambansa

Batangas City – Kung kahandaan ang pag-uusapan, handang-handa nang lumaban ang isang atleta mula Alitagtag Batangas para sa Palarong Pambansa 2024.

Siya ay si Zhian Lex Castillo at sobra raw niyang pinaghahandaan ang nalalapit na kompetisyon para sa Track and Field.

Aniya ay ito na rin ang ikalawang taon na lalaro siya para sa Palarong Pambansa kaya’t sobra siyang natutuwa.

Sa katunayan, nagkamit din si Zhian ng dalawang silver medal at isang bronze medal mula sa STCAA at nasungkit noong nakaraang taon ang ikawalong pwesto.

Bagama’t may kaba, hindi naman daw maitago ni Zhian ang galak na makakasali siyang muli sa palaro at umaasang makakapag-uuwi ng medalya para sa mga taong naniniwala sa kaniya at sa kanyang coach.

Samantala nakatakdang umalis sa July 3, 2024 si Zhian para sa palarong pambansa na gaganapin sa darating na July 7, 2024.