Dinepensahan ng Department of Social Welfare and Development ang hiling na budget nito na nagkakahalaga ng P194.6Billion para sa taong 2023.
Sa pagdining ng House Appropriations Committee, inilahad ng Kagawaran na ang 4Ps, ‘o ‘yung Pantawid Pamilyang Pilipino Program ay mayroong pinakamalaking alokasyon sa kanilang proposed budget.
Nagkakahalaga ito ng aabot sa P115.6Billion.
Unfunded naman ang pension para sa higit 4,000 na mga indigent senior citizens na nagkakahlaga ng halos P25.3Billion at ang P66Million budget para sa pagbibigay ng cash aid sa mga centenarians.
Mayroon namang higit P2Billion na budget para sa Disaster Response and Rehabiliation Program para sa mga lugar na masasalanta ng mga sakuna kagaya ng bagyo o lindol.
Sa naturang pagdinig din ay tiniyak ni Secretary Erwin Tulfo na sasalaing mabuti ng Kagawaran ang nasa 1.3 million household 4Ps beneficiaries na napipintong matanggal sa programa.
Aniya, mayroong apat na listahan ang pinagkumpara para rito at kung sa lahat ng ito lumabas ang pangalan ng isang benificiary ay tsaka na ito ide-delist.
Kino-cross check umano ito para masigurong ang mga nararapat na beniperaryo ay mapapabilang sa listahan.
#