P150k halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust ops sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Aabot sa P150,000 na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang narekober sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency Albay sa Old Airport Road, Brgy. Cruzada, Legazpi City na ikinaaresto ng 44 anyos na suspek na si Eric Baltazar y Masbate, residente ng Market Site, Brgy. Poblacion, Daraga.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Ayon kay PDEA Albay head Noe Briguel, umaga nang isagawa ang nasabing operasyon laban sa suspek, kung san pinagbentahan nito ang poseur buyer ng isang sachet na pinaniniwalaang shabu at nang magkaabutan na ng item at buy-bust money, agad itong hinuli ng mga tauhan ng ahensya.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Narekober sa kanya ang nasa 50 grams na shabu na katumbas ng nabanggit na halaga.

Samantala, napag-alaman din na dati na umanong nakulong sa New Bilibid Prison ang suspek dahil din sa illegal na droga at sa ngayon ay nananatili ito sa kostudiya ng PDEA para sa kaukulang disposisyon.