Inaasahan ng mga kooperatiba na benipisaryo ng itatayong rice warehouse sa lunsod ng cauayan at bayan ng san mateo na makakatulong ito sa mas dekalidad na bigas at iba pang mga produktong pang-agrikultura na iimbak sa oras na matapos na ang konstruksyon nito.
Unang isinagawa ang ground breaking ng Department of Agriculture Region 2 katuwang ang lokal pamahalaan ng lunsod ng Cauayan at Provincial Agriculture Office noong October 2, 2021.
Tinatayang nasa P7.2 M ang halaga ng itatayong bodega sa lunsod ng Cauayan partikular sa barangay Alinam.
Samantala sa kaparehong araw ay isinagawa rin ang ground breaking sa rice warehouse sa bayan ng San Mateo na nagkakahalaga naman ng mahigit 6 million pesos.
Ayon kay DA-RFO 02 Regional Technical Director for Operations Dr. Roberto Busania, patuloy ang ibinibigay na suporta ng gobyerno sa mga magsasaka sa lambak ng Cagayan katulad ng naturang proyekto.
Nagpasalamat naman si Provincial Agriculture Officer Dr. Marites E. Frogoso sa tanggapan ng DA-RFO 02 dahil sa agri-based support nito sa mga lokal na pamahalaan at farmers cooperative sa lalawigan ng Isabela.