P100K reward, iniaalok kaugnay sa missing beauty queen

Nag-alok na ng P100,000 halaga ng pabuya o reward si Batangas Vice Governor Mark Leviste sa sinumang makakapagbigay ng tamang impormasyon na makatutulong sa paghahanap kay Miss Grand Philippines 2023 candidate na si Catherine Camilon mula Tuy, Batangas.

Unang napaulat na nawawala si Camilon noong Oktubre 12 kung saan huli umano itong nakita sa bahagi ng Bauan, Batangas.

Kaugnay nito, tumulong na rin ang Philippine Coast Guard-Batangas sa paghahanap sa beauty queen.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Iniimbestigahan na ang mga manifest ng mga pasahero ng mga barko at kasabay na binabantayan ang Port of Batangas.

Hinihimok naman ni Batangas police chief Col. Samson Belmonte ang sinuman na may impormasyon ukol kay Camilon ay agad na makipag-ugnayan sa Tuy Municipal Police Station.

Sa inilabas na opisyal na pahayag ng Batangas PPO, inihayag ni Belmonte na ang lahat na mga police stations at units sa pangunguna ng Tuy MPS ay tulong-tulong sa paghahanap sa 26 anyos na high school teacher.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Batay sa pahayag ng pamilya nito mula Barangay Rillo ng Tuy, huli nilang nakontak si Catherine noong gabi ng Oktubre 12

Sakay ito sa kanyang Nissan Juke ng umalis ng bahay at hanggang ngayon ay hindi pa rin nakauwi at nagpaparamdam sa kanyang pamilya.