P1.4-M na halaga ng marijuana, natuklasan sa tatlong abandonadong bag

Natuklasan sa tatlong abandonadong travelling bags at isang zip-lock transparent plastic bag ang P1.4 Million na halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga kahapon.

Una rito, nakatanggap ng tawag mula sa isang residente ng barangay Poblacion ang Lubuagan Municipal Police Station na mayroong mga inabandonang marijuana.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Agad na nagtungo sa lugar ang kapulisan kung saan positibong narekober ang 10 tubular marijuana at plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana at tumitimbang ng humigit kumulang 12, 000 na gramo.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Inutusan na ni Kalinga PPO Provincial Director PCol Gilbert Fati-ig ang kapulisan na magsagawa ng malalim na imbestigasyon upang matukoy ang mga indibidwal na nag-abandona sa mga narekober na marijuana.