Ipinamahaging tulong pinansyal ng OWWA Region 2 sa mga OFWs sa Isabela, umabot sa P655K

Nagsagawa ang Overseas Workers Welfare Administration Region 2 ng distribusyon ng tulong pinansyal sa 34 na OFWs sa iba’t – ibang bayan sa Lalawigan ng Isabela.

Kabuoang P655, 000 ang naipamahaging tulong pinansyal ng OWWA Region 2 sa pamamagitan ng Balik Pinas, Balik Hanapbuhay at Welfare Assistance Program.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Sa bayan ng Roxas ay nasa 10 BPBH Check ang naipamahagi na may kabuoang halaga na P190, 000 at isang WAP Medical check na P20, 000.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Apat na BPBH check naman na nagkakahalaga ng P80, 000 ang ibinigay sa mga benepisaryo sa San Manuel; P160, 000 ang ipinamahagi sa walong OFW sa Quirino; at P40,000 naman sa Sta. Maria at Aurora.