P 8.9-M solar-powered irrigation project, itatayo sa Surallah

KORONADAL CITY- MAGTATAYO ang National Irrigation Administration o NIA ng P 8.9 million na halaga ng solar-powered irrigation project sa Barangay Buenavista sa bayan ng Surallah, South Cotabato.

Kabilang sa proyekto ang installation ng solar panels, pumps, accessories at temporary facilities.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Makikinabang dito ang 112 na mga farmer-beneficiaries na may service area na 212 hectares sa ilalim ng Buenavista Allah River Communal Irrigators Association, Incorporated.

Layon nito na mapalitan ang mahal na diesel pumps na dagdag pasanin lang sa mga magsasaka.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang pagtatayo ng solar-powered irrigation project ay bahagi ng 7-point agenda ng NIA sa pagsusulong ng modernization ng mga irrigation facilities sa bansa.