Dahil sa dating alitan, 2 sugatan sa pananaksak

Sugatan ang dalawang lalaki na sina Jose Ordaniel Hisugan Jr. 34 anyos , Boat Captain at si Jesser Aurino Condesa,30 matapos saksakin alas- otso y medya kagabi, July 18, 2022  sa Purok Honda Bay, Brgy. Sta. Lourdes, Puerto Princesa City.

Ang suspek ay si Michael Ogaya Herrera, 26 anyos , pawang mga residente sa Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Sa imbestigasyon ng Police Station 2, bago ang krimen, ayon kay Jose habang nasa pagamutan kahapon bandang alas-singko ay niyaya nyang uminom ang bayaw (suspek)  pero pagkatapos nilang uminom ay napagtalunan nila ang tungkol sa relasyon niya sa kapatid na babae ng suspek.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umuwi umano ang suspek at binalikan ang biktima na patuloy sa pag-iinum at sinaksak si Jesser A. Condesa bago isinunod si Jose.

Ang suspek ay agad na naaresto ng mga tanod at narekober sa kanya ang isang kutsilyo.