KORONADAL CITY – NAGHAHANAP ngayon ng mga investors ang Municipal Government ng Lake Sebu para sa isinusulong na P 185 million cable car project sa Seven Falls Zipline. Sa ginanap na investment forum sa Manila kamakailan lang na bahagi ng 2024 Treasures of SOX Travel and Trade Expo, inihayag ni Lake Sebu tourism officer Jennifer Tupas na ang proposed cable car system ay inaasahang makakapagpalakas pa sa imahe nito bilang Summer Capital of the South at isa sa mga most visited tourism destination sa Soccsksargen region.
Ang pinaplanong cable car system ay may habang 2.9 kilometers at mayroong 20 gondolas kung saan nasa 8 katao ang kapasidad ng bawat isa. Ayon kay Tupas na kailangan ang P 180 million para sa construction ng ropeway system, land acquisition, machinery, and equipment for transportation, at construction and restoration ng Gono Lemobung, isang tourism lodge.
Nasa P 5 million naman ang counterpart sang LGU para sa site development. Inihayag ng opisyal na ang naturang proyekto ay inaasahang makakapag-generate ng P 299.6 million na income.
