Nananatiling mataas ang morale ng mga sundalong naka destino sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal.
Ayon kay Navy spokesperson for the West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, nagpapasalamat sila sa patuloy na pagpapaabot ng suporta ng publiko sa mga sundalo.
Samantala, makalipas ang isang buwan matapos ang pinakahuling panghaharrass ng mga tauhan ng China Coast Guard sa mga tropa ng pilipinas sa kasagsagan ng RORE mission sa WPS noong June 17, hindi pa ito muling nasusundan.
Nakadepende aniya sa magiging desisyon ng afp Western Command ang mga kaukulang detalye sa susunod na misyonat kung paano ito isasagawa.
Iniulat din ni Trinidad na nakumpuni na ang mga kagamitang sinira ng mga tauhan ng ccg sa nakalipas na resupply mission kabilang na ang mga binutas na rigid hull inflatable boats.