P 100-M road project, itinurn-over ng DA sa Tampakan

KORONADAL CITY – ITINURN-OVER na ng Department of Agriculture o DA 12 ang 5-kilometer road project sa bayan ng Tampakan. Ang Lampitak-Albagan Farm-to-Market Road concreting project ay pinondohan ng P 100.3 million sa ilalim ng Philippine Rural Development Program o PRDP ng DA at counterpart ng LGU Tampakan.

Ang naturang daan ay mayroong drainage canals, slope protections at iba pa. Samantala, inihayag ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo na mayroon pang dagdag na proposed project ang LGU katulad ng concreting ng San Isidro – Buto FMR na may tulay at concreting ng Pulabato – Aspang – Little Miasong – Palo – Columbio Road na tinatayang nagkakahalaga ng P 200 million.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *