Mahigit 80 ambulansya, naipamahagi na ng DOH sa iba’t ibang mga munisipyo sa Bicol

LEGAZPI CITY – Tinatayang nasa mahigit 80 mga ambulansya ang naipamahagi na ng Department of Health (DOH) sa buong Bicol Region.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Engr. Roengen N. Punzalan, Civil Engineer at Sanitary Engineer (CE,SE) ng Regional Civil Engineer/HFEP Coordinator ng DOH, sinabi nito na 60% sa rehiyon ang nabigyan na ng emergency vehicle at aabot sa humigit-kumulang PHP2M ang halaga ng bawat unit.

Niliaw nito, hindi lahat ng mga munisiyo ay nabigyan ng nasabing sasakyan dahil may ilan na hindi pa kumpleto ang mga requirements.

Target din ng ahensya na sa taon 2028, lahat ng mga munisipyo sa rehiyon ay mabigyan ng ambulansya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *