Tiniyak ni Overseas Workers Welfare administrator Hans Leo Cacdac sa publiko na handa ang OWWA para sa pagdagsa ng mga OFWs na uuwi ng Pilipinas para sa Pasko, sa gitna ng health protocol na dulot ng COVID-19 pandemic.
Ayon kay Cacdac, nananatiling nasa manageable level ang hotel accommodation para sa mga returning workers.
Dagdag nito, na sa ngayon, ang bilang ng mga OFWs sa government-sponsored hotels nationwide ay nasa 12,000 hanggang 13,000, kung saan 9,859 dito ay sa National Capital Region, na nananatili sa 178 hotels.
Giit ng OWWA administrator na ang “red alert level” ay nasa 15,000 naman, kaya lahat ay nasa mayos pa.
Binigyang diin rin ni Cacdac na ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), at ang IATF’s One-Stop-Shop — kabilang na ang Department of Transportation (DOTr), OWWA, at ang Department of Labor and Employment (DOLE) — ay nagtutulungan para matiyak na ang mga returning OFWs para sa Christmas season ay matutulungan sa kanilang pag-uwi.

Kaugnay nito, maliban sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), nagtayo na ang gobyerno ng ilang international ports of entry, gaya sa Laoag, Clark, Subic, Cebu, at Davao. //MHEL PACIA-TRINIDAD