Overseas internet voting sa darating na 2025 midterm elections, kasado na

Sisimulan na sa darating na 2025 midterm elections ang overseas internet voting ayon yan sa Commission on Elections.

Sa inilabas na listahan ng COME;LEC, pitumput anim na voting posts mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang pagdadausan nito na bahagi ng pagsisikap ng komisyon na masigurong makaboto ang mas maraming Pinoy saan man sila sa mundo.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Sa proseso ng internet voting, kinakailangan na enrolled ang isang botante bago ang araw ng halalan at maari silang makaboto sa kahit anong device basta’t mayroong internet.

Maglulunsad naman ang komisyon ng test voting mula Pebrero ng susunod na taon hanggang Marso, isang buwan bago ang opisyal na eleksyon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Tiniyak rin nila ang transparency ng mga boto kung saan makikita nila ang pagbilang sa kanilang mga boto at maaari rin nilang iberipika ang kanilang mga boto anumang oras.

Inaasahan naman ng Conelec nasa isa’t kalahating milyong overseas voters sa 2025 Midterm Elections.