AMLC, sasampahan ng reklamong money laundering si Alice Guo ngayong linggo

Nakatakdang magsampa ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng money laundering complaints laban kay dating Bamban Mayor Alice Guo, kasama ang iba pang personalidad na umano’y sangkot sa sinalakay na POGO hub sa Bamban, Tarlac.

Ayon kay AMLC Investigating and Enforcement Department Deputy Director Adrian Arpon, nakikipag-coordinate na sila sa iba’t ibang law enforcement agencies upang pormal nilang mahain ang reklamo ngayong linggo.

Read More:  Death toll from Typhoon Inday, Habagat climbs to 18

Maalalang iniutos ng AMLC na i-freeze ang cash at assets ng mga sangkot sa Zun Yuan Technology Incorporated, kabilang ang mahigit P251 milyon cash at hindi bababa sa P465 milyon na halaga ng mga asset.

Read More:  TDC highlights education system issues following death of grade 4 student in Cavite

Dagdag pa ni Arpon na ang Department of Justice (DOJ) ang magdedesiyon sa pagpapatupad ng hold departure order para sa mga sangkot na indibidwal.