Outgoing Senate President Sotto, naniniwalang hindi mapipilit ang mga Senador na mag-tagalog

Nilinaw ni outgoing Senate President Tito Sotto na papayagan naman sa Senado ang paggamit ng Wikang Filipino sa pakikipag-debate sa plenaryo at pagdalo sa mga proceedings at iba pang Senate inquiry.

Ito ay makaraang sabihin ni Senator-elect Bongbong Marcos na sa pag-upo niya sa Senado, Filipino ang kanyang gagamiting Wika sa pakikipatalastasan sa mga kapwa niya mambabatas.

Ayon kay Sotto, hindi naman ito ipinagbabawal sa batas ng plenaryo lalo na kung hirap talaga sa Wikang Ingles ang isang indibidwal.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Maging siya nga raw ay nagfi-Filipino rin naman sa Kongreso mula nang 1990 noong siya ay isa pa lamang Congressman.

Sa kabila nito, sinabi niyang hindi mapipilit ni Padilla na sumagot ng Tagalog ang iba pang mga mambabatas.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Aniya, sadyang mayroon talagang mga salita at terminolohiya sa Senado na ginagamitan ng Ingles kabilang na ang mga journal, rules, index, at bills.

Bago ito, una nang sinabi ng Komisyon sa Wikang Filipino na suportado nila ang plano ni Padilla sa Senado ngunit naniniwala ang tanggapan na mayroon pa rin iilang mga terminolohiya at mga legal terms na hindi maaaring isalin sa Filipino sapagkat ang standard nito ay Ingles o ‘di kaya nama’y Latin.
#