City-LGU sumalang sa dalawang araw na surveillance audit ng CIPI

SORSOGON CITY – Sumalang sa 1st Surveillance Audit ng Certification International Phils. Inc. (CIPI) ang City LGU.

Ang audit team mula sa CIPI ay pinangunahan ni Engr. Sybil Paden at Engr. Paul Timothy Hupanda. Ang CIPI ay ang kinatawan ng International Organization for Standardization o ISO.

Unang isinalang sa odit ang opisina ng Business Permits ang Licensing Office (BPLO) at sumunod na ang iba pang opisina.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Kung babalikan, ang Pamahalaang Lungsod ng Sorsogon ay nagawaran ng ISO Certificate 9001:2015 para sa Quality Management System (QMS) ng CIPI noong nakaraang taon.

Kapag naipatupad na ang QMS at nagkaroon ng sertipikasyon, magsisimula na ang isang pag-audit ng mga dokumentasyon kung saan dito susuriin ng isang auditor mula sa certification body ang lahat ng dokumentasyon at ihahambing ito sa mga kinakailangan sa pamantayan ng ISO 9001:2015, upang i-verify na ang nadokumento ay nakatugon sa mga kinakailangan na pamantayan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Layunin ng annual surveillance audit ay mapanatili ang QMS sa publiko ng lahat ng opisina ng City LGU.