Ospital, punuan na; pasyente ng Covid-19, ilalagay sa tamang kategorya

SORSOGON CITY – Tamang kategorisasyon ng mga pasyente.

Ito ang nakikitang paraan ng Provincial Government upang matugunan ang problema kaugnay sa pagiging punuan na ng mga ospital sa loob o labas man ng probinsya dahil sa nararanasang sabay-sabay na pagtaas ng kaso ng Covid-19.

Ayon sa pinuno ng Provincial Health Office (PHO) na si Dr. Renato Bolo Jr., ang nasabing istratehiya ang napagkasunduan sa kanilang isinagawang pagpupulong kasama ang mga Municipal Health Officers gayundin ang mga kinatawan ng mga ospital, pribado o pampubliko man.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Paliwanag ng opisyal, sa nasabing manera ay maghihigpit sa pagtanggap ng mga pasyente kung saan lahat ng mga mild at asymptomatic ay hindi na papayagang ma-confine sa ospital.

Ibig sabihin, ang isolation ng  nasabing mga pasyente ay dapat nasa quarantine facility lamang o hindi kaya ay sa kanilang mga bahay mismo, sa kondisyon na ang mga ito ay dadaan sa assessment ng mga kinauukulan at dapat compliance sa standard na inilatag ng Department of Health (DOH).

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Aniya, tanging mga moderate at severe cases lamang umano ang maaari nang ma-admit sa mga Level 1 at 2 hospital.

Una rito, aminado ang opisyal na dahil sa punuan na ang mga ospital ay nahihirapan na silang magbigay ng referral sa kanilang mga pasyente.