7 paaralan sa SDO Cauayan City, nakahanda na para sa posibleng pilot testing ng limited face-to-face classes

Nakahanda na ang pitong paaralan sa lunsod ng Cauayan sakaling mapili ang mga ito na pagdarausan ng pilot testing ng limited face-to-face classes ng Department of Education.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Schools Division Superintendent Dr. Alfredo Gumaru Jr. ng SDO Cauayan City, sinabi niya na noon pang nakaraang taon ito inirekomenda sa kagawaran at nakahanda na ang mga naturang paaralan.

Kabilang sa mga inihahandang paaralan ang Devera Elementary School, Rogus Elementary School, Linglingay ES at High School, Villa Flor ES, Maligaya ES at Santa Maria na nasa bahagi ng forest region.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Ang mga barangay na sakop aniya ng mga nabanggit na paaralan ay mayroong mababang kaso ng COVID-19 o walang naitalang kaso.

Ayon pa kay Dr. Gumaru, maaabot naman nila ang itinakdang bilang ng mga mag-aaral na dadalo lamang sa limited face to face class na 12 sa Kindergarten, 16 learners sa Grade 1-3 at 20 sa Senior High School.

Kinakailangan din aniyang hingin muli ang suporta ng lokal na pamahalaan ng lunsod at ilatag ang mga panuntunan upang makita ng LGU, DOH at iba pang ahensya ang kahandaan ng paaralan para matiyak na ligtas ang mga mag-aaral at kaguruan.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Maliban dito ay kailangan din aniyang maihanda ang mga guro kung saan dapat lahat aniya sila ay bakunado na kontra COVID-19. ]

Sa ngayon ay hinihintay na lamang ang karagdagang guidelines o hudyat mula sa DepEd at umaasa sila na mapapabilang ang Cauayan City sa implementasyon ng pilot testing ng face to face classes.