Ospital para sa mga overseas Filipino workers, magbubukas na sa Mayo

Magbubukas na sa Mayo ang kauna-unahang ospital para sa mga overseas Filipino workers o OFWs sa San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Information and Publication Service Director Rolly Francia, pasisinayaan na ang naturang ospital sa ika-1 ng Mayo kung saan ipinagdiriwang ang araw ng paggawa o Labor Day.

Read More:  Ridon urges Marcos to consider expelling Chinese Embassy staff over online attacks

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang naturang inagurasyon bilang pagkilala sa kontribusyon ng mga OFWs sa ating bansa.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Samantala, iginiit ni Francia na libre itong magagamit ng mga OFWs kabilang na ang kanilang mga pamilya. (ARGIE ERGINA)