EJ Obiena – Coach, sponsors ang nagbayad sa surgery

Hindi inakala ni EJ Obiena na matutuloy ang kanyang knee surgery sa Germany noong January 11n, dahil umano sa kakulangan ng pondo.

Pagbabahagi ni Obiena, hindi na siya nakatanggap ng pondo mula sa Philippine Sports Commission (PSC) at sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA), simula noong August 30, 2021.

Sa halip, inihayag ng Olympian na sa kanyang coach na si Vitaliy Petrov siya nakakakuha ng tulong, at ilang private sponsors, para masustain ang kanyng training abroad at iba pang gastusin.

Bagama’t natutuwa ito sa budget na inanunsyo ni PSC chairman William Ramirez na para sana sa kanyang procedure, inamin ni Obiena na hindi pa niya natatanggap ang pondo.