Oriental Mindoro, niyanig ng 4.5 magnitude ng lindol

Niyanig ng 4.5 magnitude na lindol ang bayan ng Bongabong sa Oriental Mindoro ngayong Lunes ng gabi.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang nasabing pagyanig ganap na 7:28 p.m kanina. at may depth of focus na 24 km.

Read More:  Dela Rosa camp questions legal basis of ₱50 million reward

Natukoy ang epicenter nito 19 kilometro timog-kanluran ng  Bongabong, Oriental Mindoro.

Naitala naman ng Phivolcs ang Instrumental Intensity III sa Calapan City, Oriental Mindoro; Intensity II sa San Jose, Occidental Mindoro at Mulanay, Quezon; at Intensity I sa Puerto Galera, Oriental Mindoro, Batangas City, Batangas, at Lopez, Quezon.

Read More:  Claire Castro stays in PCO post as Cayetano calls her a “treasure”

Wala umanong inaasahang damage at aftershock ang Phivolcs kasunod ng pagyanig.