BATANGAS CITY – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa patungkol sa Scholarship Program para sa mga permanenteng empleyado ng Pamahalaang Pamahalaang Panlalawigan Batangas.
Isinagawa ang huling pandinig dito sa ika-28th Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas noong nakaraang Lunes, July 8, 2024.
Pinangunahan ito Hon. Claudette Ambida na siyang tumatayo bilang Acting Vice Governor at Presiding Officer.
Layon nito na masuportahan ang mga kawani ng Kapitolyo na nagnanais makapagpatuloy ng kanilang pag-aaral sa kolehiyo o makapagtapos ng master’s degree program.
Nabatid na ang nasabing ordinansa ay parte ng programa ng pamahalaang panlalawigan upang maiangat ang antas ng karunungan at kapasidad ng mga empleyado para sa mas maayos na paglilingkod sa publiko.