DPWH R02, pinabulaanan na nanghihingi ng monetary donations si Regional director Alconcel

DPWH R02, PINABULAANAN NA NANGHIHINGI NG MONETARY DONATIONS SI REGIONAL DIRECTOR ALCONCEL Pinabulaanan ng Department of Public Works and Highways ang kumakalat na “letter” kung saan nanghihingi ng monetary donations si DPWH R02 Director Reynaldo C. Alconcel mula sa mga supplier.

Sa paglilinaw ng DPWH R02, anumang mga papeles na nakapangalan sa Regional Director na nanghihingi ng donasyon ay hindi otorisado, at labag sa batas.

Hinikayat din nila ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan kung mayroong makita na kahalintulad na insidente.

Kung maaalala, nakasaad sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees (Republic Act 6713) na hindi maaaring manghingi ng pera o lumahok sa mga iligal na aktibidad ang mga Public Officials at Employees.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *