Inaprubahan na ni Pangulong Bongbong Marcos ang rekumendasyon ng Inter-Agency Task Force na pagluluwag ng mask mandate sa mga outdoor areas.
Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na nilagdaan na ng Pangulo ang Executive Order No. 3 kung saan, magiging boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa mga open spaces at mga lugar na mayroong maayos na bentilasyon.
‘Effective immediately’ ang implementasyon ng EO No. 3. – ibig-sabihin, ipinatutupad na ito ngayon, matapos ilathala sa Official Gazette.
Sa kabila nito, inirerekumenda pa rin ang pagsusuot ng face masks sa mga hindi fully vaccinated na mga indibidwal.



Kailangan ding magpatuloy sa mask mandate an mga senor citizens, at mga immunocompromised individuals at ‘yung may mga commorbidities.
Kaugnay nito, required pa rin ang pagsusuot ng face masks sa mga indoor areas, mga private man o public establishments; pati na rin sa mga public transportation lalo na sa mga lugar na hindi masusunod ang physical distancing.
Pangulong Marcos, inaprubahan na ang pagpapalawig ng state of calamity dahil sa COVID-19 hanggang sa December 31, 2022
Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Angeles, na extended na ang state of calamity dahil sa COVID-19 mula Sept. 13, 2022 hanggang sa December 31, 2022.
Kaugnay nito, naglabas si Marcos ng Proclamation No. 57, kasunod ng rekomendasyon mula sa National Disaster Risk-Reduction and Management Council.
Nakasaad sa proklamasyon, na kailangan umano ang state of calamity sa buong bansa, upangmaipagpatuloy ng national government at ng mga local government units ang paghahatid ng COVID-19-related interventions, gaya ng COVID-19 vaccination program; pag-gamit ng kakukulang pondo, kabilang na ang Quick Response Fund, at ang kanilang response efforts para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.


Maliban dito, mamo-monitor at makokontrol din umano ang mga presyo ng basic necessities at prime commodities, at makakapagbigay ng basic services sa mga apektadong populasyon.
Matatandaan na noong September 10, 2021, pinalawig ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang state of calamity dahil sa COVID-19 hanggang sa September 12, 2022.
#

